﻿Mga Awit.
150.
Purihin si Yahweh. Purihin ang Diyos sa kaniyang banal na lugar; purihin siya sa matataas na kalangitan. 
Purihin siya dahil sa kaniyang dakilang mga gawain; purihin siya sa kaniyang kadakilaang walang katumbas. 
Purihin siya sa ihip ng tambuli; purihin siya gamit ang plawta at alpa. 
Purihin siya gamit ang tamburin at sayawan; purihin siya gamit ang mga instrumentong may kuwerdas at mga instrumentong hinihipan. 
Purihin siya gamit ang maiingay na pompyang; purihin siya gamit ang matitinis na pompyang. 
Purihin si Yahweh ng lahat ng may hininga. Purihin si Yahweh. 
