﻿Mga Awit.
131.
Yahweh, ang aking puso ay hindi nagmamalaki o aking mga mata ay hindi nagmamataas, wala akong matataas na pangarap para sa aking sarili o pag-aalala sa mga bagay na hindi ko naaabot. 
Tunay nga na pinanatili ko at pinatahimik ang aking kaluluwa; tulad ng batang nawalay na sa kaniyang ina, ang aking kaluluwa ay nasa loob ko tulad ng isang batang nawalay na. 
Israel, umasa ka kay Yahweh ngayon at magpakailanman. 
