﻿Mga Awit.
61.
O Diyos pakinggan mo ako; pansinin mo ang aking panalangin. 
Tumatawag ako mula sa dulo ng daigdig kapag nagapi ang aking puso; dalhin mo ako sa bato na mataas kaysa sa akin. 
Dahil naging kanlungan ka sa akin, isang matatag na muog mula sa kaaway. 
Magpakailanman akong mananahan sa iyong tolda; magtatago ako sa ilalim ng iyong mga pakpak. Selah 
Dahil narinig mo, O Diyos, ang aking mga panata; binigyan mo ako ng mana para sa mga nagpaparangal sa iyong pangalan. 
Pahahabain mo ang buhay ng hari; ang kaniyang mga taon ay magiging katulad ng maraming salinlahi. 
Mananatili siyang nasa harapan ng Diyos magpakailanman; 
Magpupuri ako sa iyong pangalan magpakailanman para araw-araw kong magawa ang aking mga panata. 
